Pagsalba sa planeta mula sa climate crisis, bilang na ang oras, ayon kay Pope Francis
Spread the news on:

Nanawagan si Pope Francis na ipagdasal ang tagumpay ng UN Climate Change Conference (COP26) sa Glasgow, Scotland dahil nauubos na ang oras para maisalba ang planeta mula sa krisis sa klima.

Sinabi ng Santo Papa na ikinalulungkot niyang hindi siya nakadalo sa conference, ngunit hiniling niya ang lahat na makiisa sa panalangin para sa magandang resulta.

Sa kanyang liham na inilabas ng Vatican, ipinaalala ni Pope Francis na kailangang pangalagaan ang kalikasan bilang tahanan natin at ng mga darating na henerasyon.

“Time is running out. This occasion must not be wasted, lest we have to face God’s judgement for our failure to be faithful stewards of the world he has entrusted to our care,” ayon sa Santo Papa.

Ayon kay Pope Francis, kailangang harapin ng mundo ang dagok na dulot ng krisis sa klima at COVID-19 pandemic.

Nauna rito, hinimok niya ang mga lider ng iba’t-ibang bansa na umaksyon na upang tugunan ang ecological crisis sa ating planeta.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.