National Museum, bukas na sa lahat ng edad
Spread the news on:

(Photo Courtesy: National Museum of the Philippines via FB)

Bukas na sa lahat ng edad ang National Museum of the Philippines (NMP) para sa mga gustong makapamasyal dito.

Sinabi ng NMP na base ito sa Inter-agency Task Force (IATF) Alert Level 2 regulations.

Tatagal ang Alert Level 2 sa National Capital Region hanggang November 21.

Papayagan ang lahat ng vaccinated adults na makapasok habang ang nasa edad 18 pababa na bakunado man o hindi ay dapat may kasamang fully vaccinated adult.

Tanging 200 bisita lamang kada session ang papayagan sa loob ng museum at kailangang may online reservation bago ang nakatakdang pagbisita.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.