Mga negosyo sa Baguio City, unti-unti nang bumabangon mula sa pandemiya
Spread the news on:

Unti-unti nang bumabawi ang ekonomiya ng Baguio City kasunod ng pagbubukas muli ng syudad sa mga turistang fully vaccinated na.

Sa panayam ng programang SAKTO sa ABS-CBN Teleradyo, sinabi ni Baguio City Tourism officer Alec Mapalo na muling sumigla ang mga negosyonsa lungsod di gaya nung mga panahong nasa mahigpit na lockdown ito dahil sa COVID-19 pamdemic.

“As a matter of fact during weekends, last weekend lang dahil nga nilimit din ‘no ’yung capacity, meaning ano lang, konting boating atsaka biking ang pinayagan, so nakapila yung mga gustong mag-ano doon, mag-boating. So ibig sabihin parang nasa full capacity sila,” ayon kay Mapalo.

Kaya naman, natutuwa na umano ngayon ang mga businessman, <span;>mga tourism establishments at lalo na ’yung mga hotel na napilitang magsara dahil sa lockdown at ngayon ay bukas na ulit.

Gayunman, pinaalala ni Mapalo na sa ngayon hanggang 2,000 turista lang ang pinapayagan ng Baguio City kada araw.

Mahigpit pa ring ipinatutupad ang health protocols sa lungsod.

Samantala, nakatakda namang magsimula bukas, November 12, ang taunang Ibagiw Creative Festival.

Ang pagdiriwang ay kaugnay ng pagkakahirang sa Baguio bilang isa sa UNESCO Creative Cities Network sa larangan ng Crafts at Folk Art noong 2017.

 

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.