PH economy posibleng bumalik sa pre-pandemic level sa 2022, ayon sa NEDA
Spread the news on:

Posibleng bumalik ang ekonomiya ng bansa sa pre-pandemic level sa susunod na taon dahil sa “higher-than-expected growth” sa third quarter ng kasulukuyang taon, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

“To get to pre-pandemic nominal GDP level, it would certainly be in 2022, even as early as the first quarter,” ani NEDA chief Karl Chua.

Ito ay bunsod ng paglago ng 7.1 percent ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa third quarter ng taong kasalukuyan.

Target ng pamahalaan ang 4 hanggang 5 percent na GDP growth para sa kabuuan ng 2021.

Ayon kay Chua, mataas ang posibilidad na maabot ng Pilipinas ang estado bilang upper middle-income country (UMIC).

“For the UMIC status… I think given the strong progress, the likelihood of achieving that even within 2022 is now higher,” ayon sa socioeconomic planning secretary.

“Upper middle-income economies have a gross national income (GNI) per capita from $4,046 to $12,535 annually, according to the World Bank. With its GNI per capita diving to $3,430 last year, the Philippines remains a lower middle-income country,” paliwanag niya.

Nauna rito, sinabi ni Chua na ang Pilipinas ay patungo na sa pagkamit ng UMIC status noong taong 2020 subalit nadiskaril dahil sa COVID-19 pandemic.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.