Duterte sa employers: Tanggihan ang job applicants na hindi bakunado
Spread the news on:

(File photo)

May karapatan ang mga employer na tanggihan ang mga aplikanteng hindi bakunado, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“You have the right to refuse or to accept as an employee somebody who is not vaccinated…  [They will] join the rest of employees and the factory… [then] this guy would start to contaminate everybody,” sinabi ng pangulo.

Giit ni Duterte, nais lamang protektahan ng mga employer ang kanilang pamumuhunan at negosyo.

“Second is that you are protecting your employees,” dagdag ng pangulo.

“I think it’s legal for employers not to accept who are not vaccinated. Tama sila I agree with them,” giit ni Duterte.

Nauna rito, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. na masusing pinag-uusapan ng pamahalaan kung paano ipatutupad ang mandatory vaccination laban sa COVID-19 upang mas mapataas pa ang coverage rates.

Ani Padilla, batay sa statistics ang pinakamalalang COVID-19 cases ay pawang mga hindi bakunadong pasyente.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.