Philippine economy, lumago ng 7.1 percent sa Q3 2021
Spread the news on:

Patuloy nang nakaka-recover at lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ang gross domestic product o GDP ay lumago hanggang sa 7.1 percent ngayong third quarter, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Pero ang third quarter na GDP growth ay sinasabing mas mabagal kumpara sa revised 12 percent GDP growth noong second quarter.

Noong 2020, ang ekonomiya ay  pumalo sa 9.6 percent, ang pinakamababang performance ng bansa mula noong magsimula ang COVID-19 pandemic.

Ito na rin kasi ang simula ng restrictions sa paggalaw ng mga tao.

Ngayong taon, nagpatupad na ang bansa ng mas maluwag na  quarantine measures para unti-unting maka-recover ang ekonomiya.

Tinatayang nasa P41 trillion ang posibleng lugi sa ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya base sa pagtataya ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Pero ang ekonomiya ay maaring kumita ng hanggang P3.6 billion kada linggo matapos ilagay ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 2, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua.

Ang mga negosyo ay umaasang makababawi sa paparating na holiday season.

Umaasa naman ang gobyerno na tataas pa ang GDP ng bansa ng hanggang 4-5 percent  ngayong taon.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.