Benguet tatanggap na ng mga lokal na turista
Spread the news on:

(Photo courtesy: Benguet Province FB)

Pinagbigyan na ng provincial Inter-Agency Task Force (IATF) sa Benguet na buksan na ang sektor ng turismo para sa mga lokal na turista.

Ayon kay Gov. Melchor Diclas, bahagi ito ng hakbang ng lokal na pamahalaan na muling mapaunlad ang ekonomiya ng probinsiya at mga residente nito.

Nilinaw ni Diclas na ang mga bubuksang tourist spots ay magpapatupad pa rin ng mahigpit na health and safety protocols.

Abiso ng IATF sa mga turista, kailangang magpakita ng vaccination card ang mga fully vaccinated local tourists, samantalang ang mga hindi pa nababakunahan o nakakakumpleto ang bakuna kontra COVID-19 ay kailangang magpakita ng negative result ng RT-PCR test.

Para sa mga establishments, nananatiling nasa 50% ang kapasidad ng open spaces, at 30% naman para sa mga indoor spaces.

(Photo courtesy: Mt. Pulag National Park FB)

Ilan sa mga pamosong atraksyon sa Benguet ay ang Mount Pulag National Park, ang ikalawang pinakamaatas na bundok sa bansa, ang Kabayan mummies, mga taniman ng mga gulay, Asin hot springs at iba-ibang trekking destinations.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.