1 bilyon katao maapektuhan ng pagtaas ng temperatura ng mundo
Spread the news on:

Isang bilyong tao ang maapektuhan ng matinding heat stress kung patuloy na tataas ang temperatura sa mundo nang kahit 2 degress celsius lamang, ayon sa research ng UK Meteorological Office na inilabas sa UN climate change conference (COP26) sa Glasgow, Scotland.

Umiint ang temperatura ng mundo dahil sa greenhouse gas emissions mula sa mga industriya, agrikultura at coal-powered plants.

Paliwanang ng UK Met Office kapag mainit ang panahon, lumalamig ang katawan ng tao sa pamamagitan ng pawis.

Ngunit kapag sumobra na ang taas ng temperatura sa mundo, hindi na ito makakayanan ng katawan ng tao at maaaring magdulot ng pagkamatay sa loob ng 6 na oras, ayon sa institusyon.

Ayon sa mga pag-aaral, nagtriple na ang antas ng init sa maraming syudad sa mga nagdaang dekada.

Heatwave deaths

Mahigit 166,000 katao na ang namatay dahil sa heatwave sa buong mundo sa loob ng dalawang dekada, ayon sa World Health Organization.

Kabilang sa iba pang epekto ng matinding init sa planeta ang wildfires sa kagubatan, tagtuyot at kakulangan sa pagkain.

“Any one of the climate impacts presents a scary vision of the future. But, of course, severe climate change will drive many impacts, and our maps show that some regions will be affected by multiple factors,” paliwanag ni Andy Wiltshire ng UK Met Office sa panayam ng The Guardian.

Ilan lamang ang tropical countries gaya ng Brazil, Ethiopia at India sa mga apektado ng heat stress, at may mga lugar na hindi na matirahan ng tao.

Ayon sa mga scientists, mahalagang makabuo ng mga kongkretong solusyon ang mga global leaders sa COP26 upang mabawasan na ang greenhouse emissions ng mga bansa at maabatan ang pinangangambahang krisis sa temperatura ng mundo.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.