Ilang daan sa EDSA, isinara para sa reblocking at repair
Spread the news on:

(File photo)

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta dahil sa mga kukumpunihing bahagi ng EDSA mula November 5 hanggang 8.

Ayon sa MMDA, ang mga isasarang kalsada ay ang sumusunod:

  • EDSA bago ang Annapolis papuntang Boni Serrano flyover, northbound second lane mula sa center island sa Quezon City
  • EDSA-Tramo flyover sa Pasay City

Nagsimula ang road reblocking at repairs kagabi bandang 11 p.m. at matatapos sa Lunes, November 8 bandang 5 a.m.

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nasabing daan upang hindi maantala ang biyahe.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.