MMDA: Number coding, suspendido pa rin; suspensyon ng truck ban, unang babawiin
Spread the news on:

(FIle Photo)

Suspendido pa rin ang number coding scheme, sa kabila na malapit nang bumalik  sa pre-pandemic level ang daloy ng trapik sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na unang babawiin ang suspensyon sa truck ban bago ang suspensyon sa number coding scheme.

“In the event lumala talaga traffic, uunahin muna namin ‘yung truck ban kasi ang truck ban suspended hanggang ngayon,” pahayag ni Abalos.

Sa monitoring ng MMDA, ang mga sasakyan na bumagtas sa EDSA noong October ay umabot na sa 398,000.

Kulang lang ito ng 7,000 para mabuo ang 405,000 average number ng mga sasakyan noong bago nagkapandemiya.

“Talagang dumami, talagang masyadong natuwa, natuwa ang lahat naglabasan. Medyo malayo pa naman sa pre-pandemic, which was 11 km/h. Ngayon ay 23km/h from Roxas Boulevard to Monumento,” paliwanag pa ni Abalos.

Ayon pa kay Abalos, ang mga sasakyan na palabas ng NCR ay maaaring umabot sa daang libo.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.