190 bansa at organisasyon, nangakong ititigil na ang paggamit ng coal power; US at China hindi lumagda
Spread the news on:

(Photo credit: Benita Welter/Pixabay)

Nangako ang higit 40 bansa at higit 150 organisasyon na ihihinto na ang paggamit ng coal power.

Naganap ito sa malakihang pulong ng world leaders sa  UN climate summit (COP26) sa Glasgow, Scotland.

Kabilang sa mga bansang lumahok sa kasunduan ang major coal users gaya ng Poland, Vietnam at Chile.

“The world is moving in the right direction, standing ready to seal coal’s fate and embrace the environmental and economic benefits of building a future powered by clean energy,” ayon kay UK business and energy secretary Kwasi Kwarteng sa ulat ng BBC.

Sa ilalim ng kasunduan, nangako ang mga signatories na ihihinto na ang investments sa bagong coal power plants.

Ihihinto na rin ang paggamit ng coal power pagsapit ng 2030 para sa mayayamang bansa, at 2040 para sa maliliit na bansa.

Hindi lumagda

Subalit kapansin-pansin na hindi lumagda sa kasunduan ang pinakamalaking coal-dependent countries kabilang ang U.S., China, India at Australia.

Coal-powered plants ang pinakamalaking kontributor sa climate crisis.

Dahil sa pagsusunog ng fossil fuels, lumalaganap ang greenhouse gases sa atmosphere na sanhi ng pagtaas ng temperatura sa planeta.

Dismayado ang ilang kritiko dahil sa hindi paglahok ng ilang malalaking bansa gaya ng China.

Wala rin umanong commitment sa pag-phase out ng paggamit ng langis at krudo.

“Overall this statement still falls well short of the ambition needed on fossil fuels in this critical decade,” ayon kay Juan Pablo Osornio ng Greenpeace sa BBC.

“The small print seemingly gives countries enormous leeway to pick their own phase-out date, despite the shiny headline,” paliwanag ng environmentalist.

(PSH-NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.