Halos 10 taong palugit sa global deforestation, ikinadismaya ng environmentalists
Spread the news on:

(Photo courtesy: Greenpeace IG/ Christian Braga / Daniel Beltrá / Kevin McElvaney / Pierre Gleizes)

Dismayado ang global environmentalists sa pangako ng world leaders na magbigay pa ng halos sampung taong palugit bago ipatigil ang walang habas na pangangahoy sa mga kagubatan ng mundo.

Kahapon, nagkasundo ang mahigit 100 global leaders sa climate conference sa Glasgow, Scotland (COP26) na itigil ang deforestation pagdating ng 2030 bilang tugon sa climate crisis.

Ayon sa Greenpeace, isang international environmental protection organization, masyadong matagal ang isang dekada, at baka huli na ang lahat.

“Unfortunately, the announcements lack teeth and are unlikely to reverse the rate of natural forest loss, which has dramatically increased in recent years,” ayon sa pahayag ng Greenpeace sa social media.

Isa sa mga sanhi ng global warming ay ang pagkalbo sa mga kagubatan na dapat sana ay sasagap sa warming gas na CO2.

Giit ng Greenpeace, walang ngipin ang napagkasunduan.

Walang aksyon

Paliwanag ng Greenpeace, hindi inaksyunan ng mga pulitiko ang mga industriyang pangunahing promotor ng pangangahoy.

“Another gaping hole in the package is the lack of action to reduce demand for industrial meat and dairy, which are a huge driver of deforestation to produce feed and grazing for cattle,” ayon sa environmental group.

Ayon sa Greenpeace, kabilang sa nanganganib na kagubatan ay ang Amazon rainforest at Congo Basin kung saan patuloy ang pangangahoy.

Naglaan ng $19 billion ang world leaders at private institutions para ma-rehabilitate ang mga kagubatan, ngunit ayon sa environmentalists, barya lamang ito.

Giit ng Greenpeace, kailangang ihinto ang industrial agriculture sa lalong madaling panahon upang maisalba ang mundo sa climate crisis.

(PSH-NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.