Negosyanteng Pinay, pasok sa Forbes’ Asia’s Power Businesswomen 2021
Spread the news on:

(In photo: Converge ICT Solutions co-founder at president Maria Grace Uy)

Pasok sa Forbes’ Asia’s Power Businesswomen 2021 ang negosyanteng Pilipina na si Maria Grace Uy, co-founder at president ng Converge ICT.

Ayon sa Forbes, kinikilala ang dalawampung businesswomen na ito dahil napalago nila ang kanilang mga kumpanya sa Asia-Pacific sa kabila ng COVID-19 pandemic.

“[These women were] selected for their achievements in managing either a business with sizable revenues or a startup valued at over $100 million,” ayon sa Forbes.

Inumpisahan ni Uy at kanyang asawang si Dennis Anthony ang Converge ICT Solutions noong 2007.

Ito ngayon ang isa sa pinakamalaking fixed broadband operators sa Pilipinas at sakop nito ang 25 percent ng kabahayan sa Pilipinas pagdating sa fiber network.

“I have always lived with the principle that to be successful, you need to put in everything you’ve got and always work to do it better,” batid ni Uy sa Forbes.

Inilista ang Converge sa Philippine Stock Exchange noong 2020 kung saan nakalikom ang kumpanya ng 26.34 billion pesos ($522 million), ang pinakamalaking initial public offering sa bansa.

Lumobo sa mahigit 1 million ang subscribers ng kumpanya noong isang taon.

Dahil sa pagsipa ng broadband demand sa mga kabahayan nang pumutok ang pandemya, tumaas nang 84% ang 1st quarter revenue ng Converge nitong taon sa halagang 5.5 billion pesos.

Si Uy ay isang certified public accountant at dati nang humawak ng senior executive positions sa malalaking kumpanya katulad ng IBM Philippines.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.