Kim Seon-ho, tuloy ang pelikula sa papel na Korean-Filipino boxer
Spread the news on:

Sa kabila ng kontrobersya, tuloy ang pelikulang pagbibidahan ni Kim Seon-ho na may pamagat na “Sad Tropics”, ayon sa production company na NEW.

“After much consideration, we have decided to work with Kim Seon-ho and filming will start within this year,” ayon sa isang NEW official sa panayam ng The Korea Herald.

Ang “Sad Tropics” ay movie debut ni Seon-ho.

Ito ang unang pelikula ng aktor matapos ang iskandalong kinasangkutan niya at kanyang ex-girlfiend.

Matatandaang inakusahan si Seon-ho siya ng kanyang ex-girlfriend na pinuwersa umano siyang magpa-abort.

Tinanggal man ang aktor sa dalawang pelikula, “2 O’Clock Date” at “Dog Days”, ayon sa production company ng “Sad Tropics”, nagpasya silang ituloy ang movie offer kay Seon-ho matapos ang seryosong deliberasyon ng kumpanya.

Gagampanan ni Seon-ho ang papel ng isang wannabe boxer na ang ama ay Korean at ang ina ay Pilipina. Pupunta ng Korea ang karakter upang hanapin ang tatay na umabandona sa kanya.

Kasabay ng pelikulang ito, unti-unti na ring bumabalik ang iba pang proyekto ni Seon-ho kabilang ang endorsements para sa iba’t-ibang brands.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.