Emmanuelle Vera, itinanghal na 3rd runner-up sa Reina Hispanoamericana 2021
Spread the news on:

(Photo courtesy: Miss World PH IG)

Itinanghal bilang third runner-up sa katatapos lang na Reina Hispanoamericana 2021 pageant sa Bolivia ang pambato ng Pilipinas na si Emmanuelle Vera.

Nasungkit naman ni Andrea Bazarte ng Mexico ang korona.

Sa question and answer portion, tinanong si Vera kung ano ang gagawin niya sa kanyang buhay ngayon matapos na bigyan ng pandemya ang maraming tao ng ikalawang pagkakataon.

“I stand before you here today receiving my second chance. The pandemic rendered me jobless and hopeless. But through faith and perseverance, I rose again. But I realized that many Filipinos, countless Filipinos did not have the same opportunity as I did,” sagot ng singer-turned-beauty queen.

“Throughout the pandemic, I had the privilege of volunteering, raising funds and serving the less fortunate in my country,” pagpapatuloy pa ni Vera.

“I witnessed their situation and I realized that I will never be the same. Now, because of the pandemic, I choose to see people through the lens of empathy to give them kindness and to act in genuine selfless love, and to live a life that serves a purpose that is bigger than myself and is of service of my fellowmen,” dagdag pa ng beauty queen.

Nabatid na pagkatapos tanghaling Reina Hispanoamericana Filipinas 2021 sa Miss World Philippines competition noong October 3 ay naging maikli na lamang ang preparasyon niya bago tumungo sa Bolivia.

Gayunman, masaya si Vera sa nauwing karangalan para sa bansa.

Nagpaabot naman ng pagbati sa kanya ang Miss World Philippines Organization.

“We are proud of you! You represented our country very well. Thank you for raising the flag of the Filipinas. Mabuhay ka!” sabi ng organisasyon sa kanilang social media post.

Taong 2017 nang unang sumali sa Reina Hispanoamericana, isang Latina-dominated pageant ang Pilipinas kung saan pinakaunang naging pambato ng bansa si Wynwyn Marquez na siya ring nakasungkit noon ng korona.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.