Mikey Williams ng TNT Tropang Giga, itinanghal na Finals MVP sa PBA Philippine Cup
Spread the news on:

(Photo courtesy: PBAConnect IG)

Itinanghal si Mikey Williams ng TNT Tropang GIGA na Finals MVP (Most Valuable Player) ng PBA Philippine Cup.

Nakapagposte ang rookie player ng 27.6 points, 5.2 rebounds, at 4.8 assists habang pinangungunahan ang Tropang GIGA sa limang laro nito kontra Magnolia.

“It’s been real challenging for everybody. I think we’re all really blessed with this moment,” pahayag ni Williams.

Dagdag pa ng 30 anyos na Fil-Am player na hindi niya magagawa ito kung hindi rin dahil sa suporta ng kanyang teammates.

“It took a minute to adjust but everybody behind me welcomed me with open arms. They definitely made my job a lot easy. They gave me the confidence,” dagdag ni Williams.

“I’d like to thank everybody behind me. The team and the coaches,” saad niya.

Si Williams ang kauna-unahang rookie na nanalo ng Finals MVP award simula noong 2003.

Huling rookie player na nakakuha nito ay si Brandon Cablay ng Alaska sa 2003 PBA Invitational Championship.

(Toni Tambong)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.