Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, engaged na; magkaka-baby na rin
Spread the news on:

(Photo courtesy: Jennelyn Mercado IG)

Engaged na ang Kapuso stars at long-time couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Kwento ni Dennis, simple pero intimate ang naging proposal niya kay Jen sa kanilang bahay.

“Nagkaroon ako ng kutob nung nagsimula siya magsalita dahil seryoso niya akong kinakausap. Parang may mangyayari ‘ata,’” kuwento ng aktres.

“Tapos noong nagsalita na siya, naiiyak ako. Kasi ngayon ko lang siya nakitang ganung ka-intense, ka-serious. Tapos lumuhod, nagulat ako,” saad pa ni Jen.

Sabi naman ng aktor, nagdesisyon siyang gawin sa bahay ang proposal dahil na rin sa maselang kondisyon ngayon ni Jennylyn na buntis.

Pangarap ng aktres ay baby girl ang ibigay sa kanila ni Dennis dahil may dalawang anak na lalaki na sila.

Matatandaang sina Dennis at Jennylyn ay kapwa may anak na lalaki na sina Calix Andreas at Alex Jazz mula sa mga dati nilang relationship.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.