Bangko Sentral, maglalabas ng ‘plastik’ na P1000 bills
Spread the news on:

(File photo: Ilang foreign currency polymer banknotes)

Binuhay ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pag-isyu ng banknotes o bills na gamit ang polymer, sangkap sa paggawa ng plastik.

Sa virtual briefing, sinabi ni BSP Deputy Governor for Payments and Currency Management Mamerto Tangonan na plano nilang maglabas ng limitadong piraso ng polymer P1,000 banknote sa 2022.

“It’s the one that is used the most by the people, and we want to see how the public will handle these new banknotes, and we want to see that it gives us a life that is at least two and a half times our existing cotton-abaca notes,” ani Tangonan.

“We’re considering testing with a few hundred million pieces of banknotes. It has to be issued, it has to be circulated nationwide, it has to be used by the public so we can see how it behaves and we can test the banknote itself, and we can also get feedback on how our people, our public would handle them,” dagdag pa niya.

Mananatili pa rin naman sa kasalukuyang disenyo ang ilalabas na P1,000 polymer banknotes ngunit magiging kapansin-pansin ang kaibahan sa materyales na gagamitin dito.

Sabi ng BSP, ang paggamit ng polymer ay mas malinis umano, sustainable at environment-friendly.

Magkakaroon din ito ng karagdagang security features na mas mahirap nang mapeke.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.