75 greatest NBA players, pinangalanan sa 75th Anniversary ng basketball league
Spread the news on:

(Photo courtesy: NBA.com)

Inilabas ng National Basketball Association (NBA) sa Amerika ang listahan ng 75 greatest players para sa kanilang 75th anniversary team.

Ilan sa basketball legends na napabilang sa listahan ay sina Michael Jordan, Oscar Robertson, Wilt Chamberlain, Bill Russell at LeBron James.

Kasama sa collective accomplishment ng 75 legends na ito ay kabuuang 158 NBA championships at NBA All-Star selections.

76 players ang napabilang sa final list dahil sa tie.

Ang NBA 75th Anniversary ay pinili ng blue-ribbon panel ng kasalukuyan at dating NBA players, coaches, general managers, league executives, WNBA legends, sportswriters at broadcasters.

Labing-isang aktibong manlalaro ang napili.

Kabilang dito sina Giannis Antetokounmpo, Carmelo Anthony, Stephen Curry, Anthony Davis, Kevin Durant, James Harden, LeBron James, Kawhi Leonard, Damian Lillard, Chris Paul at Russell Westbrook.

Nakabilang din sa team ang apat na players na naglaro sa first NBA All-Star Game noong 1951 (Paul Arizin, Bob Cousy, George Mikan at Dolph Schayes), ang first winner ng Kia NBA Most Valuable Player Award (Bob Pettit sa 1955-56 season), at first winner ng Bill Russel NBA Finals MVP Award (Jerry West sa 1969 NBA Finals).

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.