Mga residente sa Brooke’s Point, Palawan, inilikas dahil sa bagyong Maring
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Philippine Coast Guard)

Puspusan ang isinagawang rescue operation sa mga residente ng Sitio Lada, Barangay Pangobilian sa Brooke’s Point, Palawan.

Inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Operations (MDRRMO) ang mga residenteng binaha sa nasabing lugar.

Bandang alas-diyes ng umaga ng October 12 nang simulang ilikas ang mga residente kasunod ng pananalasa ng bagyong Maring at mabilis na pagtaas ng baha.

Unang iniligtas ang mga senior citizen at mga bata.

Agad naman silang inihatid sa evacuation centers ng munisipalidad.

(Jocelyn Domenden)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.