Dalawang Malaysian at dalawang Pinoy, nasagip ng Phil Navy mula sa lumubog na speedboat sa Tawi-tawi
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Phil Navy thru PTV FB)

Nasagip ng Philippine Navy ang dalawang Malaysian at dalawang Pinoy mula sa lumubog na speedboat sa Tawi-Tawi.

Ayon sa tagapagsalita ng Naval Forces Western Mindanao na si Lt. Chester Ross A. Cabaltera, ang mga nasagip ay kinilalang sina Hassan Bin Sayadi, 59, at Majid Bin Ajahun, 46, mga Malaysian national.

Ang dalawang Pilipino naman ay sina Jerry Erni, 35, at Solar De Leon, 40.

Ayon sa ulat, sakay ang mga biktima ng kanilang speedboat mula sa Sabah patungong Bonggao, Sulu nang maganap ang insidente dakong 6:00 p.m. noong Huwebes, October 7.

Hinampas ng malalakas na alon ang speedboat, kaya lumubog ito at naiwang palutang-lutang ang apat na pasahero sa loob ng halos 15 oras bago sila nasagip ng mga tauhan ng Naval Task Force 61, 3rd Boat Attack Division. 

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.