Ilang araw makalipas niyang ianunsyo ang pagreretiro sa boksing, nag-file na ng certificate of candidacy si Manny Pacquiao kaninang umaga.
Si Pacquiao ang una sa mga naghayag na tatakbong pangulo sa 2022 na naghain na ng kanyang COC.
Kasama niyang nag-file ng kandidatura ang kanyang running mate na si Congressman Lito Atienza.
Kasama rin ni Pacquiao sa paghahain ng COC ang kanyang asawang si Jinkee Pacquaio.
Samantala, pinasalamatan naman ng Malakanyang si Senator Manny Pacquiao para sa kanyang malaking kontribusyon sa larangan ng boksing.
Kinilala rin ng Malakanyang ang lahat ng mga karangalang ibinigay niya sa bansa nang dahil sa boksing.
Noong Miyerkules, pormal na inanunsyo ni Manny Pacquiao ang kanyang pagre-retiro sa boksing para bigyang daan ang kanyang pagkandidato bilang Presidente sa 2022 elections.
“Well, nagpapasalamat tayo kay Senator Pacquiao because he has honored the country with his many successes and we share in the joys of his triumphs as well as in his defeats,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“We are proud that he is a Filipino and he has also made us very proud to be Filipino,” dagdag pa ni Roque.
Matatandaang si Pacquiao lamang sa kasaysayan ng boxing ang natatanging boksingero na may hawak na eight-division titles.
Leave a Reply