Opisina ng online seller, ni-raid ng MPD at Manila BPLO
Spread the news on:

(Photo: Christian Heramis)

Sinalakay ng operatiba ng Manila Police District, Manila BPLO at  ng DID-Smart ang opisina ng isang online seller sa Paco, Maynila kahapon, Sept. 28.

Ito ay kaugnay sa sumbong ng isang concerned citizen dahil sa panloloko umano ng nasabing online seller sa kanyang mga buyer.

Sa halip na mga cellphone ay bato ang laman ng ipinapadala nito sa mga customer.

Nakumpiska dito ang mga kahon ng cellphone na may lamang mga bato na siya umanong pinadadala sa mga bumibili ng mga gadget sa online shop.

Nahaharap ang operator nito sa kasong estafa at paglabag sa cybercrime act at consumer act of the Philippines.

Napag-alaman na nagbebenta rin ang nasabing opisina ng fake android.

Mayroon itong 36 seller accounts sa Lazada at Shoppee.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.