PH WOMEN’S FOOTBALL TEAM MALDITAS, PASOK SA 2022 AFC WOMEN’S ASIA CUP
Spread the news on:

(Photo courtesy: The Philippine Football Federation FB)

Pasok na ang Philippine national women’s football team na Malditas sa 2022 AFC Women’s Asia Cup matapos magwagi sa qualifiers kontra Hong Kong nitong Biyernes ng gabi, Sept. 24.

Tinalo ng Malditas ang Hong Kong sa score na 2-1, upang tapusin ang kanilang two-game campaign na ginanap sa JAR Stadium sa Tashkent, Uzbebekistan.

Unang tinalo ng Malditas ang Nepal noong September 18.

Kontra sa Hong Kong, naipasok ni Tahnai Annis ang unang goal sa tiyempong 17th minute mula sa pasa ni Rocelle Mendano.

Naka-score naman sa 61st minute si Chung Pui Ki ng Hong Kong sa papamagitan ng free kick upang maitabla ang puntos.

Bago magtapos ang laban, bumawi ang Malditas nang maka-goal si Chandler McDaniel sa ika-87 minuto, dahilan para makuha ang score na 2-1.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.