PCG: ANIM NA CREW NAKALIGTAS, MGA KALABAW AT BAKA PATAY SA LUMUBOG NA MOTORBANCA SA OCCIDENTAL MINDORO
Spread the news on:

(Photo Courtesy: PCG)

Nakaligtas ang anim na crew nang lumubog na motorbanca sa Occidental Mindoro. Pero patay namang ang sakay nitong pitong kalabaw at apat na baka matapos malunod.

Hinila  ng Philippine Coast Guard (PCG) ang  motorbanca na “Kenn Stephanie” sa karagatang sakop ng Pandan Island, Sablayan, Occidental Mindoro.

Ayon sa PCG, patungong San Jose Occidental Mindoro  ang motorbanca mula Coron, Palawan nang makasagupa ang malalaking alon  at malakas na hangin dahilan para ito ay lumubog.

Matapos hilahin ng PCG ang motorbanca, nakipag-ugnayan naman ito sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Environment and National Resources Office (MENRO) at sa Municipal Veterinary and Sanitary Inspector para sa tamang disposisyon ng mga patay na hayop.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.