WHAT’S THE FUss? WITH MR. FU: Mga Payo Ni Ogie Diaz
Spread the news on:

Wala pang masyadong social media nung nagsimula ako bilang radio jock. (parang unang panahon?!) Wala pa rin yung mga live video sa radio booth. Kaya yung mga unang nakarinig sakin, akala ako ang comedian/talent manager na si Ogie Diaz.  (sana man lang Gloria Diaz para Miss Universe!) Ang nakakaloka, may isa akong episode kung saan may nagmessage sa text line. Sya raw si Ogie Diaz. Kino-congratulate ako sa show ko at nagsabi ng mga ilang nakatataba ng pusong papuri. (sana cash nalang!) Akala ko nga joke dahil di ko pa kilala nang personal si Ogie nung mga panahong yun.  Sinabi ko pa on-air na, “O may nagtetext, si Ogie Diaz daw sya. Kung si Ogie ka nga o nagpapanggap, maraming salamat pa rin sa mga message mo. “ Sumagot sya sa text line: “ Gaga, si Ogie Diaz nga ito. “ ( sana man lang Ogie Alacasid! Para feeling ate Reg ako!)

Hindi ko malilimutan ang effort nyang yun sa show ko. Kaya nung makita ko sya sa isang event, nilapitan ko sya.

MF: Hello Sir Ogie. Ako po si Mr.Fu.

OD: Ah talaga?

MF: Opo, thank you po sa message nyo sa show.

OD: Ikaw talaga yan. Bakla ka? (di ko alam bakit nya natanong yun?!)

MF: May ganon?!

OD: Ay ikaw nga!

Simula ng pagkikitang yan, lagi na kaming nagkakachikahan kapag nagkakasalubong sa mga okasyon.  Marami rin kaming common friends, kaya minsan feeling close ako sa kanya.  (lalo na ngayon na mayaman na sya!)

Hanga ako sa sipag nya. Hindi lang sya basta komedyante. Marami syang natutulungang mga talent sa industrya sa pamamagitan ng pagiging talent manager nya at pagkakaroon ang Acting Workshops sa mga aspiring artistas. May sikat din syang Youtube Channel. May mga naipupundar pa mula sa kanyang mga  kinikita  (so..beke nemen…)

May dalawa syang payo sakin. Hawakan nang tama ang perang kinikita at kung di man daw ako magka-asawa, mag-anak nalang. Yung pag-iipon, sinusubukan ko yan every now and then. (wag lang ma-adik nang tuluyan sa painting!). Yung mag-anak, try ko bukas. (agad-agad?!) Naalala ko nung matsismis ako na may nabuntis daw akong babae sa ibang bansa, isa sya sa unang tumawag sakin para icongratulate. (parang dalawang beses natsismis yun. dalawang beses din sya tumawag!) Lagi nyang sinasabi na iba ang pakiramdam ng isang tatay.  (sige next week ko nalang itry!)

Halos every Tuesday, nakakasabay ko syang maglunch. Lagi kasi sya bumibisita sa set ng digital show namin nina Nay Lolit Solis at Nay Cristy Fermin bilang close nya ang dalawang lola. (at bilang nakakatipid sya ng pananghalian!) Sa mga tanghaliang yan nakikita ko yung pagiging likas na masayahin ni Ogie. Walang pagkikita na di kami nagtatawanan. Dyan ko rin nakikita kung paano sya tumanaw ng utang na loob kina Nay Lolit at lalo na kay Nay Cristy na nagbukas ng pinto sa kanya sa showbiz.  Hindi nya kinakalimutan pahalagahan yung dalawang nanay nya sa industryang ginagalawan nya. (ask nyo nalang si Nay Lolit kung anu-ano naharbat!)

 

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 9pm-12mn, Mondays to Fridays. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu the star dj. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.