PAGEANT TOWN WITH JOEE GUILAS: MISS UNIVERSE ZAMABALES, NA-DENGUE!
Spread the news on:

Marami sa Pageant Town ang nanghihinayang sa pagkaka-atras sa ginaganap na Miss Universe Philippines (MUPH) competition ng pambato ng Zambales na si Joanna Rabe.  Isa si Joanna sa sinasabing may pinaka-magagandang mukha sa kumpetisyon at inaasahan sanang makapapasok sa top 10 ng pinaka-prestihiyosong pageant sa bansa.

Noong nakaraang linggo, bago pa man pasimulan ang pagsasama-sama ng mga kandidata ng MUPH ay inilabas na ang nakalulungkot na balitang hindi na magpapatuloy ang dalaga sa kanyang Miss Univerese journey sa taong ito.  Ayon sa isang IG post ni Gerry Diaz, na siyang kasalukuyang taga-pangulo ng Aces and Queens beauty camp, tinamaan ng dengue si Joanna at pinayuhan ng kanyang mga doctor na magpahinga na lamang muna.  Hindi niya kakayaning makabalik sa dati niyang sigla at lakas para makahabol pa sa mga labanan ng naturang beauty pageant.

Sa isang ekslusibong panayam naman ng Pageant Town kay Joanna, ibinalita niyang pagaling na rin naman siya sa kanyang naging karamdaman.  Sa ngayon, siya ay nagpapagaling sa isang ospital sa Zambales.  Pinanghihinayangan nya nga lamang ang hindi pagkakatuloy ng kanyang kandidatura sa MUPH sa taong ito.

At dahil nga naantala muna ang pagtupad ng pangarap ng dalaga na maging isang beauty queen, tiniyak niyang babawi sya sa mga susunod pang patimpalak sa larangan ng kagandahan kung saan binabalak niyang magkaroon ng isang big comeback.

Si Joanna Marie Rabe ay 26 years old at ang siyang kauna-unahang kinatawan ng lalawigan ng Zambales sa MUPH.  Siya ay dating nagtrabaho sa isang integrated resort bilang isang supervisior at ngayo’y isang online streamer.  Dahil sa pangyayaring ito, 29 kandidata na lamang ang maglalaban-laban para sa korona ng MUPH sa ika-25 ng Setyembre, 2021.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.