WHAT’S THE FUss? WITH MR. FU : “EXTRA SERVICE AT HAPPY ENDING, INIINOM NA RIN.”
Spread the news on:

Sa mga nakakakilala sakin, alam nila ang role ng assistant kong si Emily sa pang-araw araw kong trabaho. Namention ko na rin sya rito sa column last month dahil nagdiriwang sya ng 11th anniversary sa piling ko ngayong taon. (uto uto e!) Kapag nagbabakasyon si Emily, (para lumandi!!)  may pansamantalang pumapalit sa kanya, si Cheska. Magkasing edad din sila (108 years old. Chos!) at parehong  hindi shonga-shonga (bilang wala akong pasensya sa di gumagana ang brains!)

Maraming raket si Cheska. Bukod sa pagtulong-tulong sa amin ni Emily pag kailangan, may maayos na trabaho sa isang BPO ngayon, naging admin officer sa isang kumpanya at naging barista sa isang sikat na coffee shop nang maraming taon.  (tumutulay din yan sa piniritong miswa!)

Kamakailan, naisakatuparan nya ang matagal na nyang pangarap, ang magkaroon ng sariling coffee shop. Bago nya ito sinimulan, kinausap nya ako at huminggi ng mga opinion ko sa papasukin nyang negosyo. (buti nga hindi pera ang hininggi!) Gusto nya ako magbigay ng pangalan at konsepto, sya raw bahala sa timpla ng bawat kape. (siempre bahala sa kape, di naman ako barista!)

Matapos ng ilang pag-uusap, sinimulan na nyang itayo ang “Joon Joon. coffee.art.love.” sa Margie Moran Street, BF Resort Village, Las Pinas. Maraming ibig sabihin ang Joon. Sa Korean: talented, handsome o gift of God. Sa Japanese: pure, clean and simple. Sa Persian: soul or spirit.  (so nilusot ko talaga na may meaning ang joon joon!) Dito matitikman ang mga inaral na timpla ng kape ni Cheska na may nakaka-aliw na pangalan. Ilan na nasa menu ay ang Mang Kanor (Café Americano) All the Way (Caramel Macchiato), Like a Virgin (White Chocolate Mocha), Happy Ending (Café Misto), Extra Service (Espresso Con Panna) at marami pang iba.

WTFu signature chocolate

Meron din silang inumin na walang halong kape tulad ng WTFu, (signature chocolate). Sinunod ito sa pangalan ng aming digital show. (hinayaan ko na for exposure! At bilang ang dami kong inambag na suggestion ha!)

Makakakita rin dito ng mga sari-saring artworks mula sa iba’t ibang artists. (siempre marami dyan galing sa koleksyon ko at ipinahiram ko muna dyan kay Cheska!) May isa ring malaking The Art of FU sa isang korner. (kauna-unahan kong malaking ginawa. kasing laki ng dining table!) Isa sa balak ng team ni Cheska ay magkaroon ng exhibit ng mga celebrities na may talent sa drawing o painting . (siempre yung aattend, bibili ng kape!)

Nakakatuwa lang na makita yung pagsusumikap ng mga nakakasama sa trabaho tulad ni Cheska. (na tulad ni Emily ayaw ipapost ang solo picture! Gusto pa ata, magpapictorial!)

Artists corner-artworks from different artists.

 

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 9pm-12mn, Mondays to Fridays. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu the star dj. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.