WHAT’S THE FUss? WITH MR. FU : MGA PABORITONG LIBRO
Spread the news on:

May mga celebrities na kapag may free time ay nagbabasa ng libro. (or baka naman nagpapanggap lang!)  Minsan yung iba pa nga, nagdadala ng babasahin sa taping o shooting para kapag hindi nakasalang, nakakapagbuklat man lang ng pahina. (kesa iba ang buklatin!)

Hindi ako masyadong mabasa ng libro pero may mga mangilan-ngilan naman akong kinarir. (para kunwari matalino ako!) Sa panahon ngayon ng teknolohiya, minsan nakakalimutan na natin yang mga libro. Pero para sa ilang tao, iba pa rin yung feeling ng gumagana yung imahinasyon at nararamdaman ang bawat salita. (at minsan kahit yung amoy ng libro may something din na nabibigay!)

Meron akong tatlong espesyal na libro na gusto kong i-share. ( kahit ayaw nyo, ishare ko parin!)

The Success Principles by Jack Canfield

Una kong nakilala si Jack Canfield sa librong The Secret ni Rhonda Byrne. Isang araw, nadiskubre ng kaibigan ko, the late director Francis Pasion, na may libro itong The Success Principles. Sobra nyang inirekomenda ito sa akin,  kaya go agad ako sa bookstore para bumili. (may pagkauto-uto rin kasi ako!)

Malaki ang impact ng librong ito sa buhay ko. (with 100 percent audience impact!) Ang dami kong natutunan. Ginawa ko yang guide sa pagharap sa buhay.

Praktikal pero may puso yung mga sinasabi rito. Hindi sya parang bibliya na kulang nalang dalhin ka sa langit, pero may ituturo syang daan. (so ano ito waze?!)

 

The Monk who sold his Ferrari by Robin S. Sharma

Walang nagrekomenda sakin nito. Nakita ko lang sa bookstore. Alam kong sikat yung libro at yung author, kaya buy ko. (nakikiuso lang?!) Matagal yang nakadisplay lang sa lagayan ko. Pero naisipan kong bigyan ng time. Sabi sa cover nito, ito ay “a fable about fulfilling your dreams and reaching your destiny.” Bilang may dating sa’kin yang dreams and destiny, pinush ko ang pagbabasa.  (baka bigyan ako ng pera!)

Tungkol ito sa isang sikat na abogado na dumating sa punto ng kanyang buhay na kailangan nyang mahanap ang sarili at maramdaman ang tunay na ibig sabihin ng kaligayahan. Natagpuan nya ito sa isang lugar kung saan natutunan nya ang isang ancient spiritual wisdom. (ay may konti akong tears dito!)

 

The Power of Kabbalah by Yehuda Berg

5 years ago nang magsimula ako maging estudyante ng Kabbalah. (forever student nako nyan!) Isa sa pinaka-una kong libro rito ay ang The Power of Kabbalah.  Ito ang nagpaliwanag  sa’kin ng mga basic principle spiritual wisdom na ito. Nakalahad dito ang mga paraan kung paano malalagpasan ang mga pagsubok at paano makakamit ang katuparan ng ating purpose in life. (may purpose ba talaga?!)

Ang librong ito ang naging pundasyon (hindi foundation sa face ha!) sa pagdiskubre sa aking sarili, sa kapwa at sa kahalagahan ng light sa universe nating ito. (basta may ganon!)

 

 

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 9pm-12mn, Mondays to Fridays. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu the star dj. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.