BIR, HAHABULIN PA RIN ANG COUPLE VLOGGER KAHIT BURADO NA ANG YOUTUBE ACCOUNT
Spread the news on:

Hahabulin pa rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang couple vlogger na hindi pinangalanan na may 11 milyong subscriber.

Ito ay matapos na burahin ng couple vlogger ang kanilang Youtube account na ayon sa BIR ay tinakbuhan umano sila ng mag-asawa sa sinisingil na buwis.

Sa paunang imbestigasyon ng BIR, kumita ang couple vlogger ng P50 hanggang P100 milyon sa loob ng dalawang taon. Nakabili pa umano ang dalawa ng mamahaling sasakyan at nakapagpatayo ang mga  malaking bahay.

Binura ng couple ang kanilang social media channel matapos ianunsyo ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay na hahabulin ang mga social media influencers (SMIs) na hindi nagbabayad ng buwis.

Ang vlogging ay ikinokonsiderang self-employment na papatawan ng 12 porsyento ng value-added tax kung lalagpas sa P3 milyon pataas ang kita habang walong porsyento kung hindi lalagpas ng P250,000 at tax-free naman kung mababa sa P250,000.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.