FIRST CLASS ISOLATION FACILITY SA LAGUNA, BINUKSAN PARA SA COVID-19 PATIENTS SA LUGAR
Spread the news on:

(Photo Courtesy: DOH Calabarzon)

Isang first class temporary treatment at monitoring facility (TTMF) ang itinayo sa Lumban, Laguna para sa COVID-19 patients sa lugar.

Ito ang Lumban Isolation Facility na binuksan ng Department of Health (DOH)- CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) kamakailan.

Pinangunahan ni  DOH-CALABARZON Regional Director Dr.Eduardo C. Janairo ang pagpapasinaya sa pasilidad  na may 25-bed capacity.

“Napakaimportante na bawat bayan ay magkaroon ng sariling isolation facility upang mayroong mapaglagyan sa mga pasyente na mahahawaan ng Covid virus. Ang layunin po nito ay upang makontrol po natin ang pagdami at pagkalat ng virus sa komunidad.”

“This facility will also help in preventing hospitals and medical staff from getting overwhelmed in case of an increase in the number of Covid patients,” pahayag ni Janairo.

Ayon pa kay Janairo, karamihan sa COVID-19 patients  ay mayroong mild symptoms at ang iba naman ay asymptomatic.

Dagdag pa ni Janairo, sa nasabing pasilidad dadalhin ang mga walang kakayahan na mag-isolate sa bahay dahil walang magagamit na kuwarto at hindi rin naman kailangang ma-ospital pa.

Ang Lumban Isolation Facility ay pamamahalaan ng local government unit ng Lumban.

Pinondohan ito sa ilalim ng Bayanihan 2 at itinayo sa pamamagitan ng inisyatiba  ng DOH-CALABARZON sa ilalim ng DOH Health Facilities Enhancement Program.

Ang naturang facility at pinondohan ng P10 milyon.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.