“PROJECT DELTA” SINIMULAN NG DOH CALABARZON
Spread the news on:

(Photo courtesy: DOH CALABARZON)

Sinimulan ng Department of Health (DOH) CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang “Project DELTA” o Detect Early Local Transmission  sa pamamagitan ng  Antigen Testing sa mga lalawigan kung saan natukoy ang Delta variant.

Pinangunahan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) kasama ang  Regional Infectious Disease Cluster ang  mass swab testing sa probinsya ng Laguna mula  July 30 hanggang  August 13, 2021, partikular sa  Brgy. Sta. Monica sa San Pablo City, Brgy. San Nicolas sa bayan ng  Bay, Brgy. Wawa sa Lumban, Brgys. Barandal at  Canlubang sa Calamba City kung saan umabot sa 343 indibidwal  ang nasuri.

Sinabi ni Regional Director Eduardo C. Janairo na ang mga sumailalim sa antigen testing ay mga direct contact ng indibidwal na naapektuhan ng Delta variant

Ayon pa kay Janairo, kailangang palakasin ang pagpapatupad ng “prevent, detect, isolate, treat and re-integrate response strategies” laban sa virus  dulot ng Covid-19

“Ang mga health workers natin kasama ang ating mga LGUs ay tuluy-tuloy ang ginagawang mass testing sa mga barangay na mayroong mga identified delta variant cases. Kailangang sa community pa lang ay malaman na natin kung sino ang mayroon nito upang ma-isolate na agad at mabigyan ng agarang gamot upang hindi na kumalat at makahawa pa ng iba,” Pahayag ni Janairo.

“Mabilis na kumakalat ngayon sa ating bansa ang mga COVID-19 variants kaya’t kailangan nating doblehin ang pag-iingat upang tayo ay maging ligtas. We must strictly follow community safety protocols. Magpabakuna na kung hindi pa nakatanggap ng Covid vaccine upang magkaroon ng dagdag proteksyon,” paalala ni Janairo.

Sa update ng Regional Biosurveillance nitong August 13, 2021, may kabuuang  111 Delta variant cases na natukoy sa limang probinsya ng rehiyon kasama ang  Cavite (41 cases), Laguna (35 cases), Batangas (14 cases), Rizal (14 cases) at Quezon (7).

Wala namang naitalang aktibong kaso ayon pa kay Janairo.

Gayunman, mayroong 48 recoveries, 34 kaso na biniberipika, 27 ang pending result ng retest  at dalawang naiulat na namatay.

Ang Project “Delta” ay inisyatibo ng DOH CALABAZON na sinimulana noong  July 22, 2021.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.