G! WITH RIZZA DIAZ : HINDI PA TAPOS ANG LABAN
Spread the news on:

Sasabak na sa Paralympics ang ating mga pambato na sina wheelchair racer Jerrold Mangliwan, swimmer Ernie Gawilan, discus thrower Jeanette Aceveda, swimmer Gary Bejino, taekwondo jin Allain Ganapin at powerlifter Achelle Guion mula August 24 hanggang September 13.

Mula sa successful four-medal haul nina Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial sa Tokyo Olympics, ay muling itatatas ng ating mga pambato ang bandera ng Pilipinas sa international stage.

Lubos na kahanga-hanga ang ating mga Paralympians na patuloy na pinatutunayan sa buong mundo na walang kahit anong makahahadlang sa pusong palaban ng Pilipino.

(Photo courtesy:PNA)

Inspired ng Tokyo Paralympics mascot na si Someity, na mula sa Japanese word na “Someiyoshino” – isang popular type of cherry blossom, ang ating mga Paralympians ay tunay ding “so mighty”.

Kagaya ng suportang ipinaabot natin sa Olympic athletes, sana ay ganoon din kainit at katindi ang ating ibigay sa ating mga Paralympians.

Kagaya ng dedikasyon at puso nina Diaz at mga kasamang atleta, tiyak na ganoon din ang ibubuhos ng ating mga Paralympians.

Hindi madali ang tinatahak na daan ng ating mga atleta kaya naman kahit ang simpleng dasal para sa kanila ay nakapalaking bagay na sa kanilang laban.

Si Mangliwan ang magdadala ng Philippine flag sa opening ceremony, samantala si Gawilan naman ang flag-bearer sa closing ceremony.

Nakauha ng maagang morale boost ating magigiting na atleta nang i-anunsiyo na ang P100,000 additional allowance, mayroon na silang total na P150,000 total allowance.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.