G! WITH RIZZA DIAZ : HAUL OF FAME, THE BEST OLYMPICS EVER PARA SA ‘PINAS
Spread the news on:

For the first time mula noong 1932 ay nakapagtala ang Pilipinas ng best finish sa Olympics dahil sa four-medal haul nina Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial sa nakalipas na Summer Games sa Tokyo.

History ang ginawa ng Diaz matapos makasungkit ng unang ginto para sa Pilipinas. Bukod sa total na 224kg na barbell, binuhat ng weightlifting fairy ang buong Pilipinas na lugmok na sa hirap.

Triple celebration naman para sa boxing team ang nauwing dalawang silver nina Petecio sa women’s featherweight at Paalam sa men’s flyweight, samantala bronze naman ang naiuwi ni Marcial sa men’s middleweight.

Ang kanilang panalo ay simbolo ng tiyaga, sipag at dedikasyon hindi lamang nilang mga atleta kundi ng buong Philippine team. Hindi man pinalad ang 15 sa iba pang Pinoy Olympians ay sapat na ito para ipagdiwang at ipagmalaki natin ang ating mga atleta.

Patunay ito na kung may sapat na suporta galing sa pamahalaan, sa private sector at maging sa kanilang inner circle ay hindi malayong makamit ang inaasam na Olympic medals.

Sa panahon na tila wala nang katapusan ang paghihirap, ang problema at ang kasalukuyang pandemya, ang kinang ng mga medalya ng ating magigiting na atleta ang nagsisilbing silver lining para sa ating mga Pilipino.

Isang paalala na sa gitna ng dilim ay may liwanag, may pag-asa, na abot-kamay na nating makamit.

Tapos na ang Olympics, marahil ang iba sa atin ay nalimutan na ang thrill at excitement na dulot nito. Kahit siguro sina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial ay balik-ensayo na. Pero maging aral sana ito sa atin at mag silbing motivation sa ating pang buhay.

Gaya ni Diaz, buong-puso at buong-lakas nating buhatin ang ating mga sarili at sabay nating i-angat ang mga nasa paligid natin, gaya ni Petecio na hindi naging hadlang ang kasarian para abutin ang pangarap, gaya ni Paalam na mula sa pagiging mangangalakal ay nagpursige para maging Olympian at gaya ni Marcial na kahit professional boxer na ay lalaban pa rin para sa bayan.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.