G! WITH RIZZA DIAZ : Smile Eventhough Your Heart Is (not) Aching.
Spread the news on:

Tumapos sa seventh place si Margielyn Didal sa ginaganap na Tokyo Olympics.

Malayo man ito sa podium finish at wala man siyang naiuwing medalya ay mistulang kampeon pa rin ang skateboarder.

Sa mga nakakakilala sa tubong Cebu na si Didal, alam na nila na isa siyang energizer bunny, palaging nakangiti at palakaibigan.

Sa isang kumpetisyon kung saan ang target ng isang atleta ay manalo at talunin ang kalaban, iba ang ipinakita ng 22-year old na skateboarder.

Buong torneyo, sa mismong kumpetisyon man o hindi, ay walang bahid ng pag bubusangot o pagsusungit si Didal. Habang nasa kanyang event na women’s street skateboarding, ilang beses na natumba ang ating pambato ngunit sa bawat pagbagsak ay nakangiti siyang bumabangon na para bang walang nangyari.

Naaliw pa ang mga fans, na nag-abang sa social media, nang nakipag-Tiktok pa sa kanyang kalaban na si Rayssa Leal ng Brazil.

Agad itong naging viral sa internet at nagpaabot ng pagbati at paghanga ang mga Brazilian sa 2019 Southeast Asian Games gold medalist.

Pinatunayan ni Didal na there is victory in defeat, na hindi sa lahat ng pagkakataon ay medalya ang sukatan ng panalo.

Ipinakita niya na ang tunay na sukatan ng panalo ay kung paano ka nagiging masaya sa sarili mo at, along the way, nakakapagpasaya ng iba. Nakita natin kay Didal na sa bawat pagkadapa ay maaari tayong bumangon ng may ngiti sa ating labi at sumubok muli.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.