G! WITH RIZZA DIAZ : Safety Comes First
Spread the news on:

Na-postpone ang sana’y FIBA Asia Cup ngayong buwan dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases sa Indonesia, kaya napagdesisyunan ng pamunuan ng international governing body na ganapin na lang ang torneyo sa susunod na buwan.

Alam ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin na gaano man nila kamahal ang basketball ay kailangan nilang iprioritize ang kaligtasan at kalusugan ng lahat.

(Photo courtesy: smartgilasbasketball.com)

Sa kasalukuyan ay nasa Jordan ang men’s national para maglaro sa pocket tournament, ang King Abdullah Cup.

Pag-uwi nila sa bansa ay balak ng master tactician na bigyan ng pahinga ang kanyang team.

Tama ang mindset ni coach Tab, hindi sa lahat ng oras ay kailangan sugod nang sugod.

Importante rin na mag pahinga at mag reset ng katawan at isip.

Para sa kanya, isang malaking advantage para sa batang team gaya ng Gilas Pool na samantalahin ang pahinga para makapag-improve sila hindi lamang sa laro pero psychologically at emotionally.

Higit 10 linggo na rin silang labas-pasok sa training bubble at nasisiguro ni coach Tab na sooner or later ay “it will take a toll” on the team kahit pa gaanon nila kagutso ang ginagawa nila.

Susulitin ng Gilas Pilipinas ang pahinga para na rin makapag catch up sila sa kanilang pamilya, mga kaibigan at iba pang bagay na na-put on hold dahil sa paglalaro para sa bayan.

Sa November, muling sasabak ang ating pambato sa mga home and away games sa paghahanda na rin sa susunod na FIBA qualifiers.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.