DOH: CALABARZON, MAY 36 DELTA VARIANT CASES NA
Spread the news on:

Mayroon nang 36 Delta variant cases sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), ayon sa Department of Health.

Kabilang sa mga probinsiya na may naiulat na mga kaso ay ang Cavite (9), partikular sa Imus, Cavite City, General Trias, Silang at Carmona; Laguna (17 kaso), partikular sa bayan ng Bae, Los Baños, San Pedro, San Pablo at Calamba City; Batangas (6), kabilang ang bayan ng Bauan, Lemery, San Juan at Lipa City; Rizal (4), sa bayan ng Cainta at  Rodriguez.

Wala namang naiulat na anumang kaso ng Delta variant sa probinsiya ng Quezon. 

Mula sa 36 Delta variant cases,  3 dito ay active cases, 21 recoveries, 11 ang for verification at 1 ang may pending test result.

Agad namang nagpadala ng epidemiology at  health emergency teams si Regional Director Eduardo C. Janairo sa mga apektadong komunidad para magsagawa ng swab testing. 

“We need to immediately identify the causes of the virus, how it originates and how it was transmitted in order to stop its spread in the communities,” ayon kay Janairo.

“Samples taken from the contacts of the positive cases were already sent to the Philippine Genome Center for validation. What is important right now is for everyone not to panic and continue to follow community health protocols and most important is to get vaccinated against the Covid virus.”

Giit ni Janairo, kahit anong brand na mayroon sa ating lokal na  pamahalaan ay dapat magpabakuna  na upang magkaroon ng dagdag  proteksyon para hindi makaranas mg severe infection sakaling tamaan pa rin ng COVID-19. 

Nagpaalala naman si Janairo sa publiko na doblehin pa ang pag-iingat lalo sa paglabas ng tahanan upang maging ligtas kasama ang mahal sa buhay.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.