DOLE RERESOLBAHIN ANG USAPIN SA RIDERS AT FOOD DELIVERY APPS NA FOODPANDA
Spread the news on:

(Photo courtesy: Foodpanda FB)

Nakatakdang maglabas ng abiso ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sasakupin ang pag-aayos ng  negosyo na kinasasangkutan ng mga rider at delivery apps na Foodpanda.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay napakabagong labor relation na kinasasangkutan ng apat na partido kabilang ang management ng delivery app, rider, vendors at ang customer.

Sinabi ng kalihim na gagawa ng advisory ang kagawaran kung paano ang patakaran  ng nasabing negosyo para matiyak na magiging maayos dahil hindi aniya batid kung sino ang employer sa ganitong klaseng negosyo.

Ito ay matapos na ang ilang mga riders ng food delivery app na Foodpanda sa Lungsod ng Davao ay nasuspinde ng 10 taon dahil sa pagprotesta sa  app management’s payment scheme .

Ayon kay Bello, inamin ng  Foodpanda na may kapabayaan sa  kanilang communication line.

“Nag-apologize na sila dahil doon. Hindi mo naman maintindihan na may suspension ng 10 years, para rin terminated ka nun e,” ayon pa kay Bello.

Sinabi rin ng kalihim na hindi pa maibabalik ang mga riders ng Foodpanda  at  nakatakdang makipag-usap sa July 26 ang DOLE  upang subukang  resolbahin ang usapin.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.