MAHIGIT 100 CAREGIVER, IPADADALA SA ISRAEL
Spread the news on:

Mahigit isandaang caregiver ang nakatakdang ipadala ng Pilipinas sa bansang Israel.

Sinabi ito ng Department of Labor and Employment o DOLE kasunod ng pagbawi sa ipinataw nitong temporary deployment ban ng mga Filipino Workers sa Israel.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, pino-proseso na ang work visa ng mga papaalis na caregiver.

Ang mga mabibigyan ng visa ay dadaan muli sa proseso upang makakuha ng kani-kanilang Overseas Employment Certificate na kailangan nito para makalabas ng bansa.

Matatandaang pansamantalang nagpatupad ang DOLE ng deployment ban sa Israel dahil sa palitan ng rocket ng mga Israeli forces at militanteng Palestinian sa Gaza strip.

Ayon pa sa kalihim, nangangailangan ngayon ng care workers ang Israel at iba pang service workers  dahil unti-unti nang nagbubukas  ang kanilang borders.

Ang hiring ng mga manggagawang Filipino  ay bahagi ng bilateral agreement na nilagdaan  sa pagitan ng Pilipinas at Israel noong 2018.

Ayon pa kay Bello, sa kasalukuyan ay may  kabuuang 208  caregiver contracts ang naipadala na sa  Philippine Overseas Welfare Administration (OWWA) para  mapirmahan  at maproseso ang dokumento.

Mayroon ding 23 work visas ang naihain na sa Israeli Embassy sa Taguig  habang 90 pang visa applications ang nakahanda nang ihain ngayong linggo.

“Once the visas have been secured, POEA through its government placement branch  will proceed with the processing of their overseas employment certificates and other travel documents,” ayon kay Bello

Sa pagpapatuloy ng deployment  sa Israel , sinabi ni Bello na inaasahan ng gobyerno na ganap na mapagtatanto ang mga benepisyo sa kasunduan nito sa Israel na naglalaan para sa deployment  ng 1,000  Filipino caregivers.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.