G! (News And Stories On Sports & Fitness) with RIZZA DIAZ
Spread the news on:

Girl Power!

Luma at lipas na ang pananaw na ang sports ay panlalaki lamang, mas lalo pa itong pinaptunayan ng babaeng atletang Pinoy na pasok sa Tokyo Olympics.

As of July 2, 10 sa 19 athlete delegation ng ating bansa ay mga babae, sila ay sina Hidilyn Diaz at Elreen Ando (weightlifting), Irish Magno at Nesthy Petecio (boxing), Margielyn Didal (skateboard), Yuka Saso at Bianca Pagdanganan (golf), Remedy Rule (swimming), Kristina Knott (athletics) at Kiyomi Watanabe (judo).

Bukod sa kanila, nariyan din ang teen tennis ace na si Alex Eala, si UAAP five-time champion Jack Animam, sino naman ang makakalimot sa Asia’s sprint queen Lydia de Vega, sa long jump queen Elma Muros, kay Mikee Cojuangco na ilang beses naging miyembro ng national team for equestrienne at ngayon ay nasa International Olympic Committee Executive Board at marami pang iba na itinataas ang bandila ng kababaihan sa larangan ng palakasan.

(Hidilyn Diaz; photo courtesy Hidilyn Diaz FB)

(Yuka Saso; photo courtesy Yuka Saso FB)

Bago ang tagumpay at pagkilala, hirap sa araw-araw na training ang kanilang kailangan lampasan. Pero bukod dito ay mas mahirap para sa kanilang mga babae na kailangan nilang patunayan na sila ay may puwang sa sports.

Ano ang kailangan nating gawin para magtuloy-tuloy ang pag ratsada ng mga babaeng atleta? Sino ang kailangan umaksyon para suportahan sila?

Matatag na support system ang kailangan ng ating mga atleta, mula sa kani-kanilang NSAs, sa gobyerno at sa private sector, maging sa media lahat ng mga ito ay may mahalagang papel para hindi masayang ang pinaghirapan ng ating mga pambato.

Given na ang husay at galing ng ating mga atleta, pero hindi tayo dapat tumigil at makampante doon, international exposure, world-class training at training facility, experienced coaching staff ang ilan sa mga basic na kailangan nila. Mahal ang gastusan kaya naman ano mang tulong mula sa private sector ay malaking bagay.

Sa parte naman ng media, bukod sa mga sports officials, sila ang nakakaalam kung ano ang pinagdadaanan ng mga atleta. Malaking tulong din ang exposure at media milage para mas makilala sila at sa ganoon ay makalimkom ng dagdag na pondo para sa kanilang training at international tournaments.

Sa darating na eleksyon sa 2022, isipin nating mabuti kung sino ang iluluklok natin sa puwesto. Maghalal tayo ng mga lider na bibigyang importansiya ang sports at susuportahan ang ating mga atleta. Ang mga manlalarong ito ay lumalaban para sa Pilipinas, para sa Pilipino, kaya naman kahit ang ordinaryong mamamayan ay mayroon ding papel na dapat gagampanan.

Limitless ang potential ng ating mga atleta, sana ay ganito rin ang ating ibigay na suporta para sa kanila.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.