PILIPINAS GOT TALENT FINALIST MARK JOVEN OLVIDO, ARESTADO SA BUY-BUST SA STA. CRUZ, LAGUNA
Spread the news on:

(Photo: Kapamilya World FB)

Arestado sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna kahapon ang komedyanteng si Mark Joven Olvido.

Dinakip siya ng mga tauhan ng Sta. Cruz Muncipal Police Station at mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Region 4.

Nasamsam kay Olvido ang tatlong sachet ng shabu at P2,000 halaga ng marked buy-bust money.

Kilala si Mark bilang Vape Master, ang third runner-up sa reality talent competition show ng ABS-CBN na Pilipinas Got Talent Season 6.

Dahil sa pagsali sa PGT, naging sunud-sunod ang movie at TV projects niya kabilang ang FPJ’s Ang Probinsyano kung saan gumanap siyang kaibigan ni Cardo Dalisay, ang pulis na ginagampanan ni Coco Martin.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.