PCG: DA SERVICE BOAT SAKAY ANG SINOVAC VACCINE TUMAOB SA QUEZON
Spread the news on:

(Photo: PCG)

Tumaob ang service boat ng  Department of Agriculture (DA), mag-alas otso kaninang umaga habang lulan ang mahigit 1,000 doses ng Sinovac vaccine na ihahatid sa probinsya ng Quezon.

Ayon sa PCG, sakay ng service boat ang  dalawang box ng COVID-19 vaccines, kasama  ang dalawang Department of Health (DOH) personnel, dalawang police officers ng Municipal Police Station (MPS) Polillo, ang boat captain, at motorman.

Ayon sa isa sa isa sa mga pasahero, aksidenteng nabangga ang concrete post malapit sa  Barangay Ungos, Real, Quezon dahilan para ito ay tumaob.

Agad namang nasagip ang mga pasahero na nasa maayos nang kondisyon.

Nakipag-ugnayan din ang dalawang DOH personnel sa kani-kanilang unit upang matsek ang kondisyon ng COVID-19 vaccines at magsagawa ng kaukulang hakbang.

Ayon pa sa PCG, ligtas naman ang mga bakuna.

Ang 720 dosages ay inihatid sa  Municipal Health Unit (MHU) ng Polillo, Quezon, habang 920 dosages naman ang ihahatid sa MHU ng Burdeos, Quezon.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.