NBA, INILUNSAD ANG KAREEM ABDUL-JABBAR SOCIAL JUSTICE AWARD
Spread the news on:

(Photo courtesy: NBA)

Bibigyan ng pagkilala ng National Basketball Association ang mga manlalaro na lumalaban sa social injustice at walang takot sa pagsagupa sa isyu ng social equality, respect at inclusion.

Tinawag ng NBA ang pagkilala bilang “The Kareem Abdul-Jabbar Social Justice Champion award.”

Matatandaang isa si Abdul-Jabbar, six-time league MVP at NBA champion, sa kilalang nagpo-promote ng social justice matapos ang kanyang paglalaro sa NBA.

“In addition to being one of our greatest players, Kareem Abdul-Jabbar has devoted much of his life to advocating for equality and social justice,” ayon kay NBA commissioner Adam Silver.

“With this new award, we are proud to recognize and celebrate NBA players who are using their influence to make an impact on their communities and our broader society.”

Sa nasabing pagkilala, 30 NBA teams ang magno-nomina ng kanilang manlalaro.

Ang mapaparangalang manlalaro ay makapipili ng isang organisasyon na bibigyan ng $100,000 contribution.

Habang ang apat na iba pang finalists ay tatanggap naman ng $25,000 para i-donate.

“I’m honored and grateful to be associated with this award that will recognize the dedicated and selfless people fighting to promote social justice for all marginalized people,” komento ni Abdul-Jabbar, 74, naging 19-time All-Star at member ng Naismith Memorial Basketball Hall of Fame.

“To me, it’s another giant step in the right direction for the country and all people who value equality.”

Noong 2016, tumanggap si Abdul-Jabbar ng Presidential Medal of Freedom mula sa kay dating President Barack Obama.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.