MGA RESIDENTE NG NORTH COTABATO, UMAAPELA NG TULONG MATAPOS ANG TENSYON SA PAGITAN NG BIFF AT MILITAR
Spread the news on:

Umapela ng tulong ang grupong Duyog Marawi para sa mga naapektuhan ng tensyon sa pagitan ng militar at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa North Cotabato.

Tinatayang nasa 38,000 indibidwal ang nasa 46 na evacuation centers ngayon  ang nangangailangan ng tulong gaya ng pagkain, hygiene kits, at Psychosocial support lalo na para sa mga bata.

Sinabi ni  Bro. Rey Barnido, ang head ng Duyog Marawi, na malaki ang pangangailangan ng mga apektadong residente na nasa mga evacuation center sa ngayon.

“We are aiming to reach at least 1.2 million to cover food relief, Hygiene Kits , PSS Kits for children to serve at least 1,000  of the 6,876 families affected”

Matatandaang noong May 8  ay nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng militar at mga miyembro ng BIFF sa pamilihang bayan ng Datu Paglas.

Aminado si Bro. Barnido na pahirapan ang transportasyon ngayon sa lugar at marami pang mga pamilya ang lumilikas sa mas ligtas na lugar.

Para sa mga gustong magbigay ng tulong sa Duyog Marawi, maaaring mag-deposito sa sumusunod na bank account.
Bank account Name: Duyog Marawi
Bank account Number: 5437543005394
SWIFT Code: MBTCPHMM

Mag email lamang ng scanned o litrato ng deposit slip sa [email protected] para makumpirma ang inyong donasyon at magawan ng resibo.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.