DOH, PLANONG MAGDAGDAG NG POST VACCINATION TEAM PARA UMALALAY SA MGA NABAKUNAHAN
Spread the news on:

Plano ng Department of Health (DOH) na magdagdag ng post vaccination team upang maalalayan ang lahat ng mga vaccinee o iyong mga nabakunahan na.

Ito ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III kasunod ng naging pahayag ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa isang media forum na aalisin na ang vital screening sa mga COVID-19 vaccination sites.

Ayon sa kalihim, ang Pilipinas lamang ang mabusisi sa vaccination kung saan kinukunan muna ng vital signs ang mga magpapabakuna.

Paliwanag ni Duque, hindi maaring kunan lahat ng magpapabakuna ng kanilang vital signs dahil nakakabagal ito at hindi agad natatapos ang bakunahan.

Bagamat aalisin na ang vital screening, tiniyak naman ni Duque sa publiko na hindi makokompromiso ang kanilang kaligtasan.

Ayon kay Duque, tatanungin naman kung may hypertension ang mga magpapabakuna .

Sa madaling salita, aalamin pa rin ang history ng mga pasyente o nang vaccinees.

“‘Di puwedeng lahat ng tao kailangan kukuhanan mo ng blood presssure kasi hindi na tayo matatapos sa bakunahan.”

“Kung (ang monitoring) ay 30 minutes, dalawa lang ang matatapos mo sa isang oras. Sa walong oras, 16 lang ang matatapos mo. Kaya mabagal talaga. Ang solusyon diyan is damihan ang post-vaccination team,” ayon pa kay Duque.

Ang sinasabing mabagal na roll out ng pagbabakuna ang siyang pinipilit resolabahin ngayon ng mga otoridad lalo’t tinatayang nasa dalawang milyong doses ng AstraZeneca vaccines ang nakatakdang mag-expire ngayong June at July.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.