6,739 NA BAGONG KASO NG COVID-19 SA BANSA, NAITALA NGAYONG ARAW MAY 15
Spread the news on:

Sa pagsisimula ng General Community Quarantine o GCQ with heightened restrictions ngayong araw sa NCR plus bubble, ay nakapagtala na naman ng higit sa anim na libong mga bagong kaso ng Covid-19 ngayong araw ang Department of Health.

Saktong 6,739 ang mga bagong kaso na naitala ngayong May 15.

Umabot naman sa 1,138,187 ang kabuuang bilang ngnCovid-19 cases sa bansa.

Kumpara kahapon, may bahagyang pagbaba sa bilang ng Covid-19 cases ngayon.

Mayroon namang naitalang 8,952 na gumaling at 93 na namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.0% (56,709) ang aktibong kaso, 93.3% (1,062,427) na ang gumaling, at 1.67% (19,051) ang namatay.

Kung pagbabasehan ang mga datos, bagamat kakaunti ay napanatili pa rin naman ng bansa na pababa ang trend ng ating mga kaso.

“Slowly but surely”, sana sa patuloy na pagdating ng mga bakuna at unti-unti na ring mabakunahan ang mga nasa priority list.

Pero bukod sa limitadong suplay ng bakuna, marami.ding Pilipino ang takot pang magpabakuna.
Malaking tulong sana ito para hindi na lalo lang dumami o lumala ang mga magkaka-viris sa bansa.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.