INDEMNIFICATION FUND SA MGA NABAKUNAHANG NAKARANAS NG ADVERSE EVENTS, INAAYOS PA RIN
Spread the news on:

Inaayos pa rin at isinasapinal ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang indemnification fund na nakasaad sa batas partikular para sa mga nabakunahan kontra sa covid-19.

Sa virtual media forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga kondisyon para magkaroon ng “indemnification” ay mayroong direct causality .

Ibig sabihin ayon kay Vergeire, ito ay ang naging adverse events o side effects na naranasan ng isang indibidwal pagkabakuna.

Pagkatapos pag-aralan ng mga eksperto ang adverse events following immunization committee o AEFIC, at may makitang  causality o direktang kaugnayan ang adverse event sa pagkabakuna sa isang indibidwal ay saka pa lamang magkakaroon ng indemnification.

Sa usaping adverse events, mayroon umanong tinatawag na serious at non-serious, at “disability”.

Ayon pa kay Vergeire, inaayos pa rin hanggang ngayon ng Philhealth ang mga qualification sa indemnification law.

May humigit-kumulang dalawang buwan na rin mula nang magsimula ang pagbabakuna sa bansa.

Naunang bakunahan ang mga healthcare workers at frontliners, senior citizens at may comorbidities. May ilang indibidwal na rin ang napaulat na namatay matapos mabakunahan.

(Jocelyn Domenden)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.