DUTERTE, INAMING HINDI NAKAIWAS SA KORAPSYON ANG KANYANG ADMINISTRASYON; MGA SINIBAK SA PUWESTO, PINANGALANAN
Spread the news on:

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nakaiwas ang kanyang administrasyon sa korapsyon.

Giit niya sa kanyang Talk to the People na hangga’t may perang dawit ay hindi mawawala ang mananamantala sa kahit kaninong administrasyon.

“We are not proclaiming that we have gotten rid of corruption. There is still corruption in this government and any other government that will come after me and in the past,” ayon sa Pangulo.

Giit niya na kung gusto talaga mawala ang korapsyon ay dapat isara ang pamahalaan na hindi naman mangyayari.

“There is still corruption in this government and any other government that will come after me, and in the past, mayroon talaga ‘yan. If there is a running bureaucracy and there is money involved and there are a lot of tables where the papers would go through, there will always be corruption,” ayon sa Pangulo.

“Kung walang . . Ayaw ninyo wala, eh di sarahan mo ang gobyerno. But then again, you choose which way to go. The most that we can do is to fight it.” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, sinabi ng Pangulo na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.

Samantala, isa-isa namang binasa ng Pangulo ang mga government officials na sinibak sa puwesto dahil sa iregularidad.

‘So ang mga napaalis sa gobyerno: Preciosa Polonia, OIC-Land Management Officer III, City Environment and Natural Resources Office, Albuera, Leyte – for issuance of free patent in favor of disqualified applicant;

Regional Executive Director ng DENR-Region [XII], Sacaruddin Magarang – grave misconduct, involvement in serious irregularities in the issuance of free patent titles; ayon sa Pangulo.

“Amante Burbano, Special Investigator pa naman DENR – conduct prejudicial to the best interest of the service and falsification of public documents — I hope those guys will — I hope they will be prosecuted on time — involvement in the residential free patent applications;

then Ma. Babyruth Nicolas, Staff, CENRO-Guiguinto, Bulacan, DENR-Region III – grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service for undertaking illegal fixing.”

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.