DILG: CONTACT TRACING NG PILIPINAS, HINDI “WEAKEST LINK” SA COVID-19 RESPONSE NG GOBYERNO
Spread the news on:

Ang Prevention sa COVID-19 at hindi ang Contact Tracing ng Pilipinas ang dahilan ng mataas na kaso sa bansa, ayon sa isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nitong Huwebes.

Iginiit ni DILG Spokesperson Jonathan Malaya na hindi nagkukulang ang bansa sa pagtunton ng mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19 at sinabi pa niyang nasa “good condition” ang hakbang ng Pilipinas ukol rito.

Ang komento ay tugon sa nauna nang pag-amin ni contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang “weakest” point sa COVID-19 response ng gobyerno ay ang contact tracing.

“To be honest with you, I would say it is still the weakest link among the pillars,” ayon kay Magalong sa isang briefing.

Dagdag pa ni Magalong, ang karaniwang ang contact tracers ay nakaka-identify ng hanggang apat na contacts lamang mula sa isang nagpositibo sa corona virus.

Kung saan malayo pa ito sa bagong target na contact tracing efficiency ratio na 1:15.

Pero kinontra naman ito ni Malaya.

“Kami po sa DILG have never believed na ang ating contact tracing is the weakest link. Actually, we disagree,” sabi ni Malaya sa isang televised briefing.

“Ang tingin ko po ang pinaka-weakest link natin is ang ating prevention. Kaya nga po tayo nanghuhuli ng mga kababayan nating hindi sumusunod sa mga minimum health standards dahil andon po maraming violations,” dagdag pa niya.

“In fact, yun pong mga bago nating contact tracers from DOLE (Department of Labor and Employment) na pinopondohan ng DOLE which is 5,754, karamihan po nito tapos na ang training at nakadeploy na sa mga iba’t ibang local government units,” giit pa niya.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.