ANG PINAGMULAN NG MODERN DAY MOTHER’S DAY
Spread the news on:

Tuwing ikalawang linggo ng Mayo, ipinagdiriwang sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang Mother’s Day, isang okasyon kung saan ipinapahayag ang respeto, karangalan at pagmamahal sa mga nanay o ilaw ng tahanan.

(Bettman Archive via Getty Images)

Si Anna Jarvis ng Philadelphia ang nagpasimuno ng Mother’s Day sa Amerika noong May 12, 1908 nang magdaos siya ng memorial service para sa yumaong ina, si Ann Reese Jarvis na isang peace activist.

1905 pa ikinakampanya ni Jarvis ang pagkakaroon ng isang official holiday para sa mga ina. Ito rin ang taon nang mamatay ang kanyang nanay.

Bandang 1914, halos lahat na ng estado sa Amerika ang nagsimulang gunitain ang ikalawang Linggo ng May bilang Mother’s Day.

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.